$BlogRSDURL$>
May nagsabi sa akin dati na ang mga bagong pilosopo (as in ung totoong nag phiphilosophize) ay ang mga komedyante.
Hindi ko alam kung nasobrahan ako sa ube flan, at pinipig na malagkit, dahil nang nagpapababa ako ng kain, naisipan kong buklatin ang isang magasin na ang pagkagusot ay halos tila pamalot na ng tinapa (sa dami malamang ng kamay na lumamas) at magbasa. Ang pamagat ng basahin ay Pinoy Big Jokes (kung sakaling meron kayo nito ang pabalat niya ay yaong si Tarzan na nakasabit sa isang anaconda habang nakakapit sa baba niya (hindi sa kanyang paa) ang isang matsing, na nakabukaka sa nganga ng isang buwaya. May sinasabi si Tarzan na "Dadalawa na lang yan, babasagin mo pa!" Okey, di siya nakakatawa. Pero binasa ko pa rin habang pinapatugtog ang folder ni Ray Charles na kadodownload ko pa lang mula sa mp3-code.com (salamat Eric Lim) sa aking, guess what, mp3.
God. Ewan ko ba. Siguro, pag an tagal mo nang seryoso bumababa ang tolerance mo sa joke, I mean, parang sa inuman pag an tagal mo nang di tumotoma, madali kang malasing. Shet, ewan ko ba, mababaw lang talaga siguro ang tawa ko ngayon. Matagal na akong mukhang tanga (kahit di naman madalas) sa bahay nina Ca, dahil para sa kanila weirdo NA ako (sa lagay kong to). (Malamang pagnakilala nila ang iba kong kaibigan, irerevise nila ang denotation nila ng weirdness) Anyway. Yun, nasabi ko yun kasi, sa ibang panahon, nakikita nila akong nakatulala sa harap ng notebook, o kaya nuong may relihiyon pa ako, nagyoyoga sa drying court o nagmumutter mutter ng ka-bullshitan, ayon sa kanila, at ngayon na naman, tumatawang mag-isa. Buti na lang si Radha lang at pamangkin ko ang nakakita...busy yung grown ups sa pag Kukung haye Fatchoi nila somewhere sa dining area. Anyway. Yun, maulan, at dapat sana tinatapos ko na ang History of Rock N' Roll na hiniram ko kay Eric, dahil Disc 2, Beatles at the British Invasion pa lang yun, at marami pa akong papanuorin, blah, blah, pero obligasyon kong sunduin ng sasakyan ang pamilya ko, so andito ako. Buti na lang may joke book. Dala ko naman ang notebook ko, pero tigang pa ako sa garapata sa patay na aso, kaya wala akong masulat, matutulala lang ako sa harap ng notebook at pagtatawanan pero walang lalabas. Kaya nagbasa na lang ako. At natawa, habang umuulan at kumikidlat sa labas, habang kinikiliti ni Ray Charles ang tenga ko, habang tinititigan ako ng aking anak at kalaro niya, habang nagyeyear of the earth cow ang matatanda sa kung saan. Natatawa ako hihihihi...
Okay, so para mabigyan naman kayo ng ideya kung anong mga jokes ang nasa bente pesos na joke book, etong isa sa mga di ko makalimutan:
"Ako lang ang makapagpapadugo sa ilong ni Manny Pacquio!" --English
Okey, pero para sa akin eto ang killer:
"Hindi makapagtimpla ng juice si Inday.
Tahimik lang siyang nakatitig sa bote ng juice.
Dahil nakasulat: Concentrate."
aaaaaaaa. Alam niyo, then and there, nangarap akong makapagpatawa. Alam kong di ako makakaisip ng nakakatawang terset na tulad nun. Sana di lang ako nakakatawa, marunong din akong makapagpatawa. Ang feeling kasi ng tawa, napaka-real. Yumuyugtog ang buo mong katawan, sumasakit ang dibdib mo, pero masarap. Minsan gusto kong uminom para lang tumawa, yung tila mas-stroke ka na sa intensity. Sarap nun. Parang Huuusssaaah! Primal scream eklat. Napaluha kasi ako sa last parts ng Indian film na "Water", mag-isa naman ako, na frustrate ako kasi di ko pa itinuloy sa hagulgol, parang kailangan ko yun. Anyway, sige na nga wala nang bullshitan, eto talaga ang nagpaligaya sa akin:
Apple of my eye/ mango of my pie/ palaman of my tinapay/ keso of my monay/ teeth of my suklay/ fingers of my suklay/ blood in my atay/ bubbles of my laway/ sala of my bahay/ seeds of my palay/ clothes in my ukay-ukay/ calcium in my kalansay/ kalamansi in my siomai/ vitamins in my gulay/ tungkod when I'm pilay/ feeling when I'm high/ shoulder when I cry/ cure to my aray...
Kung sino ka mang sumulat nito, isa kang henyo, putang ina ka!